Sabado, Marso 15, 2014

Our Second Wedding Anniversary

Napansin ko kasi wala akong post about our Anniversary last Nov.,

Actually di na talaga kami masyado nagpabongga nun, Yan kasi ata yung time na sinalanta ang parteng kabisayaan ng typhoon Yolanda. Parang di naman magandang mag celebrate ng bongga while some of our kababayan ay naghihirap.

We just had a small celebration. Konting salo salo lang, Saka Busy din naman kami pareho sa work.

At medyo shock pa kami sa kaalamang another baby is coming, Nov 6 ko kasi nalaman na preggy ako.
Nov 8 ang aming anniversary.



Just like last year parang ganyan din yung handa namin hahaha:)

Anyway, what important is that we're still happy with each other. And I'm wishing and hoping that we can surpass all the trials and problems that will come our way. I love you very much papeng, Ikaw lang mwaahhh

Maxine's 1st Birthday

Remember Maxine? She's my granddaughter, She turned 1 last November 24, 2013. Kinda late post lang ito hahaha.

Good thing he birthday fall on sunday, walang mga pasok kaya hindi ganun ka hassle. Ako din kasi ang busing aligaga sa party na ito dahil wala ang kanyang Lola Dhaisy (my only sister) eh syempre bagets pa ang mga parents niya so ako lang tlaga!

Venue: Jollibee ( Robinson ) Walking distance lang samin hahah , Nilakad nga lang namin nung papunta kami eh hahaha
Time: 3pm

I'll post some pics, Haggard lang alam niyo naman ang kambal syempre nagtago na naman sa mascot kaya whole duration ng party nasa labas ata sila:)














Ayan na lahat yung pictures na kasama pa ang kambal, but when jollibee entered the room nag disappear na din sila hahaha, dun na nga sila kumain sa labas eh.
Pati si maxine natakot nga ata, ayaw din tignan si jollibee, Hay kids!

After ng party uwian na:) No hassle sa pagligpit! yan ang perks kpag sa mga resto ka nag handa hahaha, yun nga lang wala na din food pag uwi hahaha:)

Wish to maxine: Good Health and be a good girl, wag pasaway like your parents hahaha:) Love yow!

I'm Back!!

Hello!!

Sa tagal kong di nakapag blog, di ko naoopen ang google account ko nakalimutan ko na ang password ko, bago ko maopen yung account ang dami ko pang pinagdaanan hahaha.

Anyways.. My last post was Last November 2013 pa, imagine that?! almost 4 months akong nawala.

Busing busy lang ang peg. So for my comeback post, madai daming chika akong dapat habulin. Dami kong kwento grabe! at di ko alam kung san ako mag uumpisa uli.

And this is it! This is my bump now, I'm 5 months preggy here and the soon to be ate kambal all smile:)


I'll try to catch up with the happenings in twins life, after all this blog was dedicated to them so dapat at gusto kong maituloy ito hanggang sa kaya ko.

Watch out for my next post, It's Maxine's Birthday. Yeah last november pa yun hahaha pero ngayun ko lang maibablog. Sipag ko kasi sobra! Ito yata epekto ng walang work haha, Nakwento ko ba na last january pa ako walang work so going 3 months na akong taong bahay. Instead na mas madami akong time magblog mas lalo pa ako nwalan ng time hahaha.

Pero babawi ako promise!

Martes, Nobyembre 19, 2013

3rd Week of November

3rd week of November, kinda haggard to, nasabay na naman kasiang pictures with community helper daw, eh alam niu naman ako pag gumawa ng ganyan sobrang full effort, so ayun tinulungan na ako ni junrey at nanay mag gupit para matapos ko agad after kasi nun binalot ko pa ng plastic cover para maganda diba hehehe:)

Then Here's their Assignments:



Here's For Ww.
And here's for Sa-sa:


And here's their Community Helpers pictures:

Tag 21 pieces sila jan, Ginawa ko kasi lahat hahaha:)

And also that week monday and tuesday hindi nakapasok si jeychelle, Nilalagnat kasi may tonsillitis siya pinacheck up namin nung sunday. Kaya hindi siya nakapag Quiz si Jeymie lang.

That's It. Ito naman ang kanilang card, nakuha ko na din last week. Bumaba sila sa ibang subjects meron din naman na mataas. Nakalimutan ko picturan yung grades nila sa exam..Sa sunod na post nalang:)




Just Guess who's the owner of the card nalang hahaha, si jeychelle din ata yung may absent na isa hay..Pala absent sakitin kasi this past few months.:(

O siya till next weeks assignments uli:) Good Vibes!

2nd Week of November

For 2nd week of November, kinda haggard to, nasabay na naman kasi ang projects and Assignments. Their project in Science is Animals that lives in Water, Land and Air.
Good thing Friday came dumalaw mga college friends ko sa house. Naggugupit kami nun ni diane ng mga pictures eh lam niu naman ako madaming madami yun ofcourse. Tinulungan nila kami kaya napabilis din, pero di pa dun yun natapos, si diane na pinagawa ko nung iba, wala talaga ako sa mood gumawa ng project that time. Bilis ko kasi mpagod lately gusto ko mag hihiga lang.

Madali lang naman yung mga assignments, nahaggard lang ako sa Ra-ra pictures for their Filipino Subj. Konti lang kasi yung alam ko. sobrang mega hanap ako sa mga books at net para maghanap pa.


And I came up with These:


And for their Language Dd:


Everything went smoothly naman for that week.:)

Lunes, Nobyembre 18, 2013

Good News! New Baby coming

Hello there! Kinda no post for the past few days na naging weeks na hahaha.

Intindihin niyo nalang, Last Nov 6. Nagtry ako mag PT.(Pregnancy test) kinda 2 months na kasi akong delayed. Voila! POSITIVE umaatikabong 2 lines ang nakita ko. I was shocked, At first ang kaba ko talaga walang mapaglagyan, Hindi ko pa kasi naikwento dito I'm about to work na sa Finland susunod na ako sa Ate ko dun, may nakuha ng employer ang tita ko. Maybe january 6, 2014 daw if everything went smoothly andun na sana ako.
Kaso a new blessing came, so we have no choice, well I have no choice but to stay here syempre.
That day also, nagpacheck up na aq and ultrasound to confirm. So ayun nga based on my LMP its almost 2 months na but based on my Ultrasound it's 1 month.And iisa lang siya hindi twins hehe..

Were happy naman, though it's not planned at all, God gave this so we have to accept it happily. With the twins, di pa nila masyado naabsorb though I think ready naman na sila, but sometimes ayaw nila.We'll see once na lumaki na ang tummy ko..

So sa ngayun yan ang progress sa Laurilla family.

More post this succeeding days about twins schooling. Isa pa yun sa pinagkakabusyhan ko dami nila assignments and projects eh.

Sumasabay pa ang morning sickness! ang katamaran at iba hehe...

Lunes, Nobyembre 4, 2013

1st week of November

Did you notice na wala akong post about 3rd and 4th week of October? That's because for third week its their 2nd Periodical exam and for 4th week it's their sembreak.

So today, monday Nov 4.. Teacher already gave assignments ang walang katapusang assignments hehe

Here it is:


Eh since change sched na. I'm on afternoon shift ang pasok ko 1pm na, bago ako pumasok ginawa ko na yung ibang assignments and then papeng is assigned with others.Ako kasi is sa mga Gupit and dikit lang hehehe.




Teacher Lota also gave the result of their exams, and ofcourse mababa na nman grades nila..Lalo na si jeymie don't know why hay..Konting tutok pa daw sabi ni teacher.

I'm back again with their assignments hehehe..Till next week:)