Lunes, Hulyo 15, 2013

Second week of July

Tama lang itong post ko na 'to, Sakto sa date hehe..

So ayun nga, we had our meeting last Friday July 12.


 Those are the things we discussed. For july 26 their Nutrition month, P.E uniform lang naman. But we had to make a crown with fruits na indicated sa poem nila. Magkaiba pa naman yung poem nila.Sa off ko na yun pagkakaabalahang gawin. The bilao naman pinabili ko nalang sa isang mommy dun heheh tamad lang ang peg. Ang share ko namang food is palabok hati kami ng mama ni andrea para di mabigat sa budget. Karamihan sa share ng momies is ulam.

Malapit na din ang exam nila.Kaya mega review na ito. Hindi pa kami nagpapatutor so far kaya pa naman.Ok pa naman sila hanggang kaya pa namin iguide ni papeng di muna kami patutor.

And for Buwan ng wika they will wear Filipiniana daw, Yun nalang ginamit nila last year ang ipapagamit ko sakanila sayang naman kasi kung bibili pa uli..I'm still undecided sa share ko sa food for buwan ng wika, hirap naman kasi Filipino dish dapat.

Teacher Lota also asked us to vote what we like, If it's United Nation, Family day or Fieldtrip.
Sa prep daw pinili madami pumili ng Family day. Pero sa amin UN ang nanalo or fieldtrip kapag magand ayung itinerary. For October pa naman yun.

Ayun lang naman. hehe habang nag mimeeting kami nanonood naman ng cartoons ang mga bagets sa ibang room.

For their Assigments,





Di ako masyado na-haggard dito kasi prepared na ko hehe, Nagpaxerox na kasi ako in advance kasi na-anticipate ko na what letter is next.


Here's for their Letter Tt.
Medyo blurred the blue one noh, Di maganda pagkapicture ko. Turtle, Table, Teeth, Tiger, Telephone and Toothbrush yun.

For letter Uu naman, Ayan colorful ganda noh:)haha proud lang sa sarili hehehehe! pag bigyan na blog ko 'to eh.



Akala ko nagawa ko na lahat ng assignments, pagpasok namin kanina.Habang nagdadaladalan kami ng mga mudra sa school napagkwentuhan yung family tree. I thought read or study lang yun nakipagtalo pa ako. Di ko napigilan kinuha ko yung notebook ng anak ko sa room, as in inistorbo ko sila hehe.Oo nga nakalimutan ko gawin ang laki ng nakalagay Do page 50. Hay naku nastress ako bigla. Friday palang pinaghandaan ko na yun nagpaprint na nga ako ng ilalagay na pictures eh tapos makakalimutan ko lang at malalagyan ng No assignment ang book ng anak ko..

Aba dali dali akong umuwi at kinuha ko ang picture sa bahay, kinuha ko ang book at idinikit ko ng madalian ang pictures buti nalang di nahalata ni teacher hehehe sabi ko lang nakalimutan ko idikit. Sabi ng ibang mommies bukas ko nalang daw gawin kasi baka di pa naman daw icheck. Sabi ko hindi di bale ng magsayang ako ng 40pesos sa tricycle pauwi ng bahay kesa ma No assignments ang junakis ko. Tama nga ako kasi that day chinceck ni teacher. Buti nalang,

Here it is.:


Hindi ko na nalagyan ng designs, kasi rush nga diba..Yung iba kasi nilang classmates may mga color and butterfly pa daw.Ok na yan atleast hindi No assignment ang nakalagay.  I hate pa naman cramming.Nakakahaggard eh..ako kasi yung tipo ng tao na malayo palang gusto ko ayos na hindi yung nagmamadali palagi.

Side Kwento, Nalimutan ko na what day yun, Tinawag ako ni Jeychelle kasi pupu daw siya.
So sinamahan ko mag CR. Nakapupu nga siya. Pagbalik niya sa room, pagpasok niya, Sumigaw siya.

Jeychelle: "Ayan Nakapupu na ako"

I-announce daw ba sa buong room? hehehe mga bata nga naman.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento