Martes, Oktubre 29, 2013

UNITED NATION 2013

I've been in blog hiatus for 2 weeks, Don't know why?! Kinda busy lang sa work? Sa koreanovela and everything hehehehe

Anyway, I'm here to make kwento about the twins UN, first time nila 'to.
The UN was held last Oct 24., They start it with parade that starts at 7am so early diba, then we proceed in The Covered court near the school for bigger venue. They performed different dance, from different country of Course.. And without further ado I want to show you my beautiful twins: ( So proud mama lang here)


Guess what country they portray?  Yes it's EGYPT!

For the whole week, wala kami ginawa kundi magpractice kung pano ang magiging make up nila kaso, at the end I settle na ipa-make up nalang sila. Buti nalang Diane knows someone na marunong mag make up ayun Gorabels na.


And Diane Straightened their hair.


Here's their Close up Picture:


Papeng also didn't go to work that day, full support kami sa twins, Lola and diane also came at the program.

First let me show you some pictures during the parade.


They were the one holding the banner for their section.

And here are some pics with their Classmates:



And here's their pics with their teachers:



And also their pictures with papeng and mama:






And with lolo and lola:



And also with maxine:



And here are my friend mommies in school:


You can also View their dance in You tube. and here's Jubilee song , Top of The world.

You can view all the pictures in my  FB account if were friends hehehe:)

That's all., My next post is about their Trick or Treat @ riverbanks.:)

Lunes, Oktubre 14, 2013

Happy Bday: Amir Jeremy 2013

Yesterday, Sunday we were invited at Jeremy's Birthday.,, Like last year delayed na naman ang party niya hehehe, His mom texted me lang the other night kasi na may konting salu salo daw sa house nila, nagdadalawang isip daw kasi siya kung maghahanda kasi nga ulan ng ulan.. Here's the link for Jeremy's Bday last year.

Jeremy is in Grade 1 now, ibang school na siya pumapsok, We still have communication paminsan minsan. Remember the seeds project ng twins, sakanya galing yung iba nun:)

At dahil late ko na nalaman na birthday niya, at parang di naman ako sure kung pupunta nga kami, kahapon lang din ako bumili ng gift sa Riverbanks on my way home galing work.

Sinama ko sina diane and maxine, andun din si rachel. Di nakapunta ibang mommies eh.

Here are the pics:


Here's Jeremy with the twins, That's our gift the monkey nakaktuwa yan gumagalaw..







Twins Outfit of the day

Model modelan lang ang peg ni Jeymie

here's the birthday boy - tabachingching na din

Twins with Jeremy and Allyza.

That's all.. umuwi din kami agad. Konting chika chika lang hehehe!


Martes, Oktubre 8, 2013

Pointers to Review for the Second Periodical Exam 2013

Yesterday, teacher Lota gave the pinters to review for the second quarter exam.


Ayan siya ganyan siya kahaba,Imagine that.. Buti nalang this weekend ang inatupag ko ay mag scan at magxerox ng mga books nila at quizzes na pasasagutan ko sakanila. Sort of review.. Napansin ko kasi na  yung mga exams nila sa quizzes din kinukuha hehehe..

Ayun so goodluck to us na naman.. Todo effort to wala kaming tutor eh.. Sabi naman ni papeng he'll take a leave 4 days prior to exam para makapag review and pahinga na din niya..

Aja! Fighting!

Side kwento kahapon pala nilalagnat si Jeymie, di daw siya makalunok.I think tonsillitis pano nilafang niya mag isa yung 1 pint ng ice cream. Di pa kami nagpacheck up pag ok naman na ngayun at nakalunok na siya eh di thank God. Nawala naman na lagnat niya eh.Tempra lang katapat nun.

and also I'm having a project ngayun, I'm busy doing their photo albums, yup ngayun ko palang gagawin yon, wala pa sila ka photo photo album kahit isa hehehehe..Last sunday nagpaprint na ako ng mga pics 1st and 2nd month palang.
Natagalan ako gawin, aside sa time medyo magastos din siya..ngayun uunti untiin ko na talaga.

I'll share it here when I'm done kahit sa isang album lang hehehe..

Sa sunod uli:)

Good vibes!!

1st week of October

It's Tuesday today,. Tomorrow off ko na naman hehehehe..I'm so excited have lots of things to do..Busy Busyhan ang peg lang.

Kaya eto na sisimulan ko na ang kwento.

Here's their Assignment for the week:

Nangarag lang naman ako sa Filipino which is "Nga-nga" words..Hirap mag isip gravey talaga.

But then syempre what's the use of google diba hahaha


 I already have, Banga, Nganga, Sanga.. So kulang pa ako ng tig dalawa.. Sa huli nag settle din aq sa verb, which are Ngawa and Ngalay. sa huli no choice for Bunga hahaha.  napasobra na nga eh 5 lang dapat hehehe..

For Reading naman, easy lang kasi Words that starts with letter Pp.

and for Science, Bumili pa ako ng ice cream hehehe need daw kasi ng tin can.

 Yesterday si nanay at diane ang naghatid kasi morning shift ako. Nung binibigay na daw ni nanay yung tin can with soil ni kambal, sabi daw ni teacher Rizza bakit tag isa lang sila, tag dalawa daw pala dapat. So umuwi pa si mudra para kumuha uli. Syempre on the go din yan si nanay. Basta about school kahit mapagod go yan. Buti nalang may mga lata pa daw na ganun sa bahay tapos yung soil nanguha siya sa kapit bahay hahaha..

"Bring 2 small tin cans" I thought tag isa na sila dun hahaha..Epic fail talaga.

They will do experiment siguro, may monggo pa na pinadala tag 20pcs daw hehehe..

And here's their sight words for the week:


and -ag words..

Here's their quizzes for the week:


 So far ok na yan nasa average lang sila..masama naman yung sobrang talino hahaha.

Their Exam is fast approaching na, Review review na habang maaga na naman ito.


Martes, Oktubre 1, 2013

4th Week of September

Yeah, 1st day of October today, but my post is still about September.. I'm so late hahaha.

Anyway, I'm so haggard na naman for this weeks assignments, sinabayan na naman kasi ng mga projects.


See haggard haggardan na naman ang peg ko. So Early morning ng saturday sinimulan ko na ang seed hunting sa Marikina Market. Madami naman akong nabili bukod sa yung dating project ng anak ni Rose at Paula eh binigay nila sakin.

They also need to practice reading this:


And here's for their Reading Gg Pictures:


And ofcourse ang isa pang nagpahaggard sakin ang Filipino nila na Na-na words:


Ang hirap kasi mag isip, nag ask ako sa mga friends ko naku puro kaadikan naman sinasabi nila, Napoles daw mga ganun.

And finally here's what I'm busy doing this weekends, na hindi nagpatulog sakin ng bongga:





Check ang kaguluhan ng house namin ng kasalukuyan kong ginagwa ang mga yan.


Those were for Science, Here's for Math

They need flash cards of numerals,

Talagang binalot ko ng plastic cover kasi ineexpect ko na pag hindi lukot lukot yan pag uwi.

I bought this, para may paglagyan sila ng numbers nila:


Here's their Activities for the following months.

So far today ok na ako nakahinga na naman ng konti, tapos na kasi ang projects naipasa na din.

Here's the twins when they went to school:


I just love their clip hehehe.:)

Together with their classmates, sabay sabay kasi kami bumili ng mga mommies nila,



Cute noh!!